Tuesday, June 21, 2011

From Divisoria with Love

Hataw yung buwan kagabi! Pagpasok ko ng bahay nakita ko na agad sya na nakasilip sa mga silhouette ng mga dahon ng mangga. Sabi ko sa sarili ko na mapicturan nga. Kinuha ang camera., nilabas ang tripod at eto na!

Minsan ba kinakausap mo ang buwan? Wirdo nga minsan. Pero tignan mo naman., ginawan pa ito ng kanta ni Bruno Mars! hehe. Nakakamangha nga naman kasi tignan ang buwan. Kahit napakalayo., tanaw pa rin ang kanyang ganda. Alam ko para syang muka ng tao na kailangan dalhin kay Vicky Belo... pero ang ganda at misteryo nya eh minsan nakakamanga...


Potek talaga at dinale pa ako ng malas kagabi. Pauwi na nga lang, na-platan pa! Nung narining ko na parang may tumusok sa gulong ko, nung una di ko pinansin. Sabi ko baka basura lang. Pero nung naririnig ko na parang may bakal na paulit-ulit na kumakalansing habang bumibilis ang takbo ko, teka iba na to. Masilip nga. Ayun! PLAT na nga sya!

Bumaba ako., at sinuri ang damage. Mukang kailangan ko na mag stretching kasi magsisimula na ako magpalit ng gulong. Natanggal ko na yung tatlong lugnuts(security tornilyo para sa gulong na hindi naman kailangan sana pero maporma lang) pero yung isang damuhong lugnut eh ang hirap alisin kasi bilog na yung loob dahil sa pagkaka-loose thread! Buti na lang may tumulong sa akin na jeepney driver para alisin ito.

Natapos ang gabi sa dalawang bote ng beer. Pananggal uhaw sa nakakapagod at magrasang gabi.

Have a good week everyone! Ulan! maghunusdili ka!Bakit nga pala ganun yung title? kasama ko kasi si beb abby., pinuntahan namin yung damit nya para sa kasal ng kaibigan naming si teng. :)

No comments:

Post a Comment

I appreciate it if you dont spam. Thank you.